MANDATO ng gobyerno tugunan ang lumalalang kalagayan ng mga pamilyang pilit itinataguyod ng solong magulang, ayon kay Brian Poe Llamanzares na tumatayong first nominee ng FPJ Panday Bayanihan partylist.
Sa isang kalatas, kinalampag ni Poe Llamanzares ang pamahalaan sa aniya’y usad-pagong na pagtugon sa pasanin ng mga solo parents.
Ayon kay Poe Llamanzares, pinapasan ng naturang sektor ang mga epekto ng kawalan ng pag-asa sa ekonomiya, dusang emosyonal, kakulangan ng mga sistemang suporta at iba pa.
Batay sa datos ng gobyerno, nasa 14 milyon ang pasok sa kategorya ng solo parents. Malaking bahagi ng nasabing bilang ay mula sa hanay ng kababaihang naninimbamg at pilit binabalanse ang trabaho, pagkalinga sa mga anak at maging sa mga gawaing bahay.
Sa gitna ng abang sitwasyon, karaniwan aniyang nalalagay ang mga solo parents sa alanganin sa aspetong pinansiyal, diskriminisasyon, kawalan ng oportunidad na makakuha ng trabahong may wastong sahod.
Marami rin umanong pamilya ang naghihirap upang matugunan ang mga batayang pangangailangan ngunit halos palaging hindi ito nagagawa dahil sa mataas na gastusin sa pamumuhay.
Ang masaklap pa aniya, mas pinapalala ang kalagayan ng mga solo parents dahil sa kakulangan ng pasilidad na pwedeng mangalaga sa mga bata habang nagtatratabaho ang solong ina.
Kadalasan, ang mga anak ng solong magulang ay kulang din umano sa sapat na kagamitan, kasama ang edukasyon at pangangalagang pangkalusugan, dahil sa kahirapan.
Pagtitiyak ni Poe Llamanzares, pinagsisikapan ng FPJ Panday Bayanihan na maibsan ang dusa ng mga solo parents sa bisa ng batas na magsisilbing gabay sa suporta ng pamahalaan sa mga solong magulang.
Sa kasalukuyan, ipinapatupad ng DSWD at PhilHealth ang Republic Act 8972 (Solo Parents’ Welfare Act).
Bilang patunay, inihalimbawa ni Poe Llamanzares ang mga solo parents sa Quezon City na makskuha ng benepisyo dahil sa hirap sa pagkuha ng kinakailangang ID, ayon kay Josie Lipio Velasco, pinuno ng organisasyon ng mga solong magulang sa naturang lungsod.
Kahit na may umiiral na batas, kakaunti ang mga pang-edukasyong scholarship, na umaasa karamihan sa mga programang pang-lungsod imbis na pambansa. Ipinapakita nito ang malaking kapintasan sa sistemang dapat sanang tutulong sa mga solong magulang at kanilang mga anak.
