SA layuning maging ligtas sa mga aksidenteng kinasasangkutan ng malalaking sasakyan ang mga lansangan, ikinasa ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng “speed limiting device” sa mga bus at trak.
Bilang pambungad, oobligahin ng DOTr ang mga operator ng mga pampasadang bus, gayundin ang may-ari ng mga dambuhalang trak na magkabit ng speed limiting device, alinsunod sa Speed Limiter Act of 2016.
Sa ilalim ng naturang batas, hindi pinahihintulutan ang bilis na higit pa sa 90 kilometers per hour.
Bahagi rin ng Speed Limiter Act ang multang P50,000 — bukod pa sa pagkakakulong sa bawat paglabag.
Pero bago pa man simulan ang implementasyon, pupulungin ng naturang departamento ang mga stakeholders para sa nasabing usapin.
