DALAWA pang Chinese nationals ang dinakip sa Palawan ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil umano sa paniniktik at pangangalap ng mga sensitibong impormasyon sa bansa.
Samantala, tiniyak ni National Task Force West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya ang mas agresibong pagtunton sa aniyang iba pang Chinese spies, sa bisa ng mas pinaigting na “counterintelligence” ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Sa isang pulong-balitaan sa Quezon City, tiniyak na Malaya na marami pang espiya ng naturang bansa ang darakpin sa mga susunod na araw para protektahan ang seguridad ng bansa.
“What I can say right now is there will be more arrests and these include what happened there in Palawan because we have ramped up our counterintelligence efforts,” wika ng tagapagsalita ng NSC kaugnay ng dalawang turistang Intsik na dinakip habang nagvi-video sa paglalayag ng barko ng Philippine Coast Guard sa Palawan.
“And because of that, we’re slowly unraveling the conspiracy of this operation being done by foreign actors to conduct espionage in the Philippines. We don’t want to preempt the National Bureau of Investigation and the Department of Justice but yes we are aware of it, in fact, we are part of the team looking into this,” dagdag ni Malaya.
Tumanggi si Malaya magbigay ng iba pang detalye sa pagkakakilanlan ng mga inaresto, Gayunpaman, patuloy aniya ang imbestigasyon para alamin kung konektado ang dalawang Chinese spy sa Palawan sa nahuling sleeper agent sa Metro Manila.
Gayunpaman, malinaw umanong may kinabibilangang grupo ang dalawang arestadong Tsino na nakunan ng cellphone, CCTV camera (ikinabit sa puno ng niyo na nakatanim sa inupahang resort) at mga high-tech equipment sa pangangalap ng mga sensitibong datos.
“If makahanap tayo ng ebidensya na connected sila we will make a necessary announcement.”
