PARA kay Minority Floor Leader Vicente Sotto, isang malaking dagok sa integridad ng kongreso ang umano’y P142-billion budget insertion sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Panawagan ni Sotto sa mga kapwa mambabatas, maglunsad ng isang congressional inquiry sa aniya’y panibagong pork barrel scandal.
Agad naman nagpahayag ng suporta sa panawagan ni Sotto si Senador Panfilo Lacson lalo pa aniya’t lumolobo taon-taon ang budget allocation para sa mga flood control projects at iba pang imprastraktura.
Ang lubos aniyang nakapagtataka, mas lumalala ang problema sa pagbaha, gayundin sa trahedyang dulot ng pagguho ng lupa.
“Grabe is the word. Amendments by the Senate in the past never ran into billions, especially if it involves the DPWH,” ayon kay Sotto sa online report na tumutukoy sa Department of Public Works and Highways.
“It’s scandalous, to say the least. More so when these amendments came from cuts from (Department of Education) and DOH (Department of Health). We will surely look into it and investigate,” garantiya ni Lacson.
Isa isang panayam, nilinaw ni Sotto na pinapayagan ang project amendments sa proseso ng badyet, partikular kung mapapanatili ang makabuluhang halaga at nailantad.
Gayunpaman, lubhang kaduda-duda kung isiningit ang bilyong badyet sa panahon ng bicam at hindi sa deliberasyon ng badyet.
“Ngayon bakit ko sinasabi scandalous at excessive… Pagka ganyang billion-billion ng usapan at hindi ninyo nilagay sa budget kundi nilagay ninyo sa bicam, ay teka muna, ibang usapan yan, malalang pork barrel ang tawag yan,” aniya.
Tinutugan ni Sotto, dating senate president, ang lumalakas na panawagan sa imbestigasyon sa sinasabing bicam insertions na ibinulgar ng Vera Files na kanilang nakuha at nailathala ang 103 pahinang dokumento na inilatag ang last-minute amendments.
BAtay sa ulat ng Vera Files, lumalabas na nangyari ang amendment sa panahon ng bicameral conference committee process na pinangunahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Sa natirang bicam, naglaan ng bilyong pondo sa flood control at infrastructure projects, partikular sa lalawigan ni Escudero — sa Sorsogon.
Naambunan din ng isiningit na badyet ang Bulacan na baluarte ni Senador Joel Villanueva, at Davao na kanlungan ni Senador Bato dela Rosa.
Kasabay nito, lubhang ikinabahala din ni Lacson ang dambuhalang flood control projects na aabot sa P2 trilyon sa nakalipas na 15 taon ngunit patuloy na nakalubog ang maraming komunidad sa panahon ng bagyo at tag-ulan.
“Isn’t it absurd that the rise of floodwaters in our ‘malas’ country is directly proportional to the increase in the annual budget for the national government’s flood management program?” ayon kay Lacson.
“For 15 years since 2011, the DPWH is supposed to have spent almost 2 trillion pesos, and yet…” aniya.
“Bakit directly proportional ang pagtaas ng flood waters sa pondong nilalaan natin para sa flood control? Parang isang paradox, irony eh, para bang absurd na teka hindi ba dapat bumababa yung flood waters, hindi nagra-rise dahil naglalaan tayo ng mas malaking pondo. Eh bakit directly proportional siya?” tanong niya.
“Parang something is very wrong ‘di ba? Kung di man sa management, baka sa planning, baka sa polisiya.” (ESTONG REYES)
