SA gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa bansa, higit na angkop ang makabuluhang pagbabalita — isang trabahong dapat gampanan ng mga lehitimong peryodista.
Ang totoo, hindi biro ang trabaho ng mga peryodista lalo pa’t kalakip ng pagsisiwalat ng katotohanan ang nakaambang ganti ng mga nasagasaan.
Gayunpaman, usap-usapan sa hanay ng mga peryodista ang bonggang ganansya ng isang lady press corps president mula sa isang sindikato sa likod ng ilegal na pasugalan sa lalawigan ng Batangas.
Tumbukin na natin. Partikular na binibigyang proteksyon ng lady press corps president ang sindikato ng isang nagngangalang Glenda Guevarra ng Batangas.
Sino nga ba si Aling Glenda? Siya lang naman ang kapitalista sa likod ng permanenteng pwesto pijo sa Batangas. Permanente dahil hindi na natitinag sa pwesto sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon sa insider ng Kalawit, patuloy ang pamamayagpag ng salot na si Glenda sa Barangay Banaba sa isang bayan sa baluarte ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.
Batay sa mga impormasyon ng ating mga kasangga sa Batangas, hindi lang sa Chief of Police bagyo ang dating ni Glenda — maging sa Batangas PNP Provincial Police Office na pinamumunuan ni Col. Geovanny Emerick Sibalo, pader ang hitad na salot.
Ilang pasko na ang dumaan, pero ang perhuwisyong sugalan ni Glenda tuloy ang ligaya sa kinukubrang pusta ng mga mananaya. Ang masaklap, tila bingi ang alkalde sa rekamong idinulog laban sa mga pasugalan ni Glenda na BFF na ngayon ng lady press corps president.
Ano nga ba ang namamagitan kina Glenda at sa lady press corps president?
But wait there’s more, pati pala pagtutulak ng droga, pinasok na rin ni Glenda. Alam kaya yan ng lady press corps president?
Bigla akong napaisip, kinaibigan ba ni Glenda ang lady press corps president para magsilbing protektor ng kanyang salot na negosyo?
Heto pa, kwento ng isang kapwa mamamahayag, labis ang panggagalaiti ni lady press corps president matapos sumingaw ang kanyang ugnayan kay Glenda. Aniya, baka daw masisante pa siya sa TV network na kanyang pinagtatrabahuhan.
Sa ganang akin, drama lang yan para pagtakpan ang kanyang koneksyon sa sindikato ni Glenda.
Abangan ang mga susunod na pasabog sa diskarte ni lady press corps prexy.
