TUMATAGINTING na P1.672-bilyong halaga ng mga armas at kagamitan ang binili ng Philippine National Police bilang bahagi ng PNP modernization program.
Sa isang pagtitipon, ibinida ng pamunuan ng pambansang pulisya ang 383 unit ng personnel carrier na 4×4, 32 heavy motorcycle, at 225 unit ng Light Transport Vehicle.
Kabilang rin sa mga dumating na kagamitan ang 400 light motorcycle, 322 unit ng Unmanned Aerial Vehicle na mas kilala sa tawag na drone, 4,989 unit ng Enhanced Combat Helmet (level lll), 505 unit ng multi-mode mobile device.
Gayundin ang 3,000 unit ng 5.56mm Basic Assault Rifle (Emtan) at 155 unit ng 5.56mm light machine gun.
Base sa ulat ng PNP, magagamit ang mga armas at iba pang kagamitan sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa.
Hindi naman nabanggit kong saan galing ang pondo na binili sa bilyong halaga ng mga armas. (EDWIN MORENO)
