PARA kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, pagsasayang lang ng panahon ang mga panawagan nagtutulak buwagin ang partylist system sa bansa.

Ayon kay Garcia, walang kapangyarihan ang kongreso lusawin ang partylist system, lalo pa’t malinaw ang probisyon sa ilalim ng 1987 Constitution.

Una nang hiniling ng ilang militanteng kilusan at mga lider mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang paglusaw sa partylist system na ginagamit lang umanong tuntungan ng mga mayamang nangangarap maging kongresista.

 “Dapat maunawaan ng mga kababayan natin, ‘yung sa mga nag-advocate na i-abolish na lang ang partylist system, mukhang hindi po natin magagawa yon kahit po si Comelec, kahit ang Kongreso, hindi niya pwedeng gawing i-abolish ang partylist system,”

Nang tanungin kung ano ang basehan ng Comelec chairman, sinabi ni Garcia na tanging pag-amyenda sa konstitusyon ang daan sa isinusulong na pagbuwag sa partylist system.

“Kahit si Comelec, wala po kaming magagawa sapagkat kami po ay tagapagpatupad lang ng batas, kakailanganin na magbago at baguhin ang batas upang ma-emphasize talagang mabuti sino ang marginalized, ano ang underrepresented sector, ma-define nang mabuti, ma-enumerate kung kinakailangan sa pamamagitan ng batas,” 

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *