NAKAPAGTALA ng panibagong record low ang halaga ng piso kontra US dollar.
Batay sa datos ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang palitan ng piso kontra dolyar sa halagang P59.90. Ilang oras ang lumipas, pumalo sa P60.40 ang halaga ng dolyar, hanggang sa magsara sa P60.10.
Paniwala ng mga foreign currency exchange experts, ang pagbagsak sa halaga ng piso ay indikasyon ng pag-iwas ng mga mamumuhunan sa panganib (risk aversion) dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.
Miyerkules nang bombahin ng Iran ang Pars natural gas sa Qatar.
