PARA sa administrasyong Marcos Jr., sapat na ang ayudang ikinasa ng gobyerno sa gitna ng pagtaas sa presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin sa merkado, bunsod ng lumalalang tensyon sa Middle East. Sa regular press briefing sa Palasyo, hayagang inamin ni Undersecretary Claire Castro na hindi pa tinatalakay ang usapin ng dagdag-sahod para sa mga apektadong manggagawa. Ayon kay Castro, prayoridad ng gobyerno ang paghahanap ng paraan para maibsan ang epekto ng giyera sa Middle East, kasabay ng pagtitiyak na hindi tumitigil ang pamahalaan solusyonan ang dinaranas na paghihirap ng mga mamamayan. Kabilang aniya sa mga pambungad na tugon ng administrasyon ang pamamahagi ng fuel subsidy at tulong pinansyal sa mga apektadong sektor. Aniya, kapakanan ng ordinaryong mamamayan ang isinasaalang-alang ng Pangulo. “Hindi pa yan napag-uusapan kaya ang pinaka mabilis na pwedeng gawin ngayon ng Pangulo at administrasyon ay magbigay agad ng ayuda at sinimulan na ito,” ani Castro. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Palitan ng piso kontra US dollar lagapak sa P60.40 Yulo-Loyzaga itinalaga bilang special envoy