DALAWANG taon bago sumapit ang halalan, tuluyan nang umarangkada ang pagtawid ng mga politiko sa “matatag” na partido.
Bilang tugon, isang panukalang batas ang inihain ng isang kongresista sa pagnanais kapunin ang nakagawiang “ober-da-bakod.”
Sa inihaing House Bill 9139 (Comprehensive Political Party Empowerment Act), target ni PCFI partylist Rep. Bong Teves at Tingog partylist Rep. Jude Acidre isulong ang reporma sa sistema ng pultika sa bansa.
Sa bisa aniya ng HB 9139 nakalatag ang mekanismong nagbabawal sa political turcoatism o paglipat-lipat ng mga pulitiko sa iba’t ibang partido.
Matapos ang paghahain, agad na tumindig si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairperson at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ng Lakas-Christian Muslim Democrat (CMD) para suportahan ang nasabing panukala.
“The measure seeks to address long-standing structural weaknesses in the country’s political system, including weak party discipline, personality-driven politics, transactional alliances, and the repeated shifting of party affiliations for political convenience,” saad sa isang bahagi ng proposed measure.
Sa nakalipas na limang dekada, naging kalakaran ang paglundag ng mga politiko sa ibang partido.
“Political parties are supposed to give structure to democracy. They are meant to organize ideas, develop leaders, and help people choose based on programs and principles, not simply personalities or political convenience,” ani Acidre.
“For a long time, we have normalized a culture where party affiliation changes depending on political advantage. Over time, that weakens accountability, weakens institutions, and weakens public trust in the democratic process itself,” aniya pa.
Para kay Teves, napapanahon nang ibalik ang tiwala ng publiko mga halal na opisyal — bagay sa masasalamin sa katapatan at ideolohiya ng kinabibilangang lapian.
