NAKAPAGTALA ng bagong record-high na pagkakautang ang Pilipinas, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).na
Sa datos ng BTr, pumalo na sa P18.49 trilyon ang kabuuang utang ng national government sa pagtatapos ng Marso — masataas ng P328.43 bilyon kumpara sa utang ng bansa noong buwan ng Pebrero.
Pangunahing dahilan anang BTr sa paglobo ng utang ang paghina ng piso laban sa US dollar at net issuance ng domestic securities.
Idinetalye ng BTr ang paglaki ng domestic borrowings na humataw sa P12.53 trilyon — mas mataas ng P55.40 bilyon kumlara sa naitala sa pangalawang buwan ng taon.
Isa rin anila sa mga dahilan ng pagtaas ay ang net issuance ng government securities na umabot sa P46.72 bilyon.
Tumaas din umano ng ng P8.68 bilyon ang halaga ng foreign currency-denominated domestic securities dahil sa paghina ng piso.
Umabot naman sa P5.95 trilyon ang external debt o utang panlabas ng bansa, mas mataas ng P273.03 bilyon o 4.81% mula noong katapusan ng Pebrero 2026.
