HINDI man agad-agad, kumbinsido si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na masisilo ng ahensya si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Pag-amin ni Mayibag, meron na umanong “lead” ang NBI hinggil sa mga posibleng nagkakanlong kay Dela Rosa na pakay ng arrest warrant ng inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng crimes against humanity sa likod ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Gayunpaman, tumanggi na si Matibag ibahagi ang detalye sa posibleng pinagtataguan ni Dela Rosa.
“Kung meron man po, I have to apologize because it’s a part of our process sa law enforcement. Mahirap naman pong mag-announce na nandirito siya kasi people try speculate eh,” ani Matibag.
“Ang dami-dami pong lead na binigay but we have a lead kung nasaan talaga. Pero in the meantime, we will suspend ‘yung announcement kung nasaan talaga siya,” dagdag pa niya.
