SAPUL sa kinasang balasahan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez ang hepe ng Eastern Police District (EPD) na sumasakop sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng punong himpilan ng pambansang pulisya ang pagsibak kay Brig. Gen. Aden Lagradante.
Ipinalit sa sinibak ng heneral si Brig. Gen. Melecio Maddatu Buslig bilang bagong EPD Director.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang mga tauhan ng EPD sa kakayahan at karanasan sa serbisyo publiko ng bagong EPD director.
