PARA sa lupon ng tagausig, hindi pangkaraniwan ang pamumudmod ng daan-daang libong salapi para sa mga umano’y impormanteng may karamdaman. Sa isang kalatas, hayagang tinukoy ni House prosecution spokesperson and adviser, former Surigao del Norte Rep. Ace Barbers ang cash releases ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga “confidential informants.” Partikular na pinuna ni Barbers ang testimonya ni OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio sa umano’y impormasyon na ibinahagi ni dating Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) Col. Raymund Lachica. Ayon kay Ortonio, may mga cash releases na ₱150,000, ₱170,000, at ₱200,000 para pambili ng gamot at ibigay sa mga impormante. Gayunpaman, nilinaw ni Ortonio na wala siyang nakitang anumang resibong patunay sa pagbili ng gamot. Wala rin umano siyang direktang kinalaman dahil pinaubaya lamang kay Lachica ang paggastos ng nasa P500 million confidential funds ng OVP. “Para sa akin, hindi usual iyong ₱200,000, ₱150,000, ₱170,000 na ganoon-ganoon mo lang ibibigay at sasabihin para sa gamot,” giit ni Barbers. “Dapat ma-produce: ano ba ang sakit, ano ba ang gamot na pinabili sa iyo?,” dugtong ng dating mambabatas. Hindi rin aniya katanggap-tanggap ang paniniwala ng OVP na normal lamang ang pagbibigay ng gamot sa confidential informants bilang kabayaran sa iniligwak na impormasyon. “Ibig bang sabihin, itong mga perang pinamigay na pambili ng gamot, totoong binili kaya ng gamot? Kung totoong binili ng gamot, anong klaseng gamot iyon? Napakamahal naman,” anang former Surigao del Norte solon. “Number two, nasaan ang resibo niyan? Not one or a single official receipt was provided when they submitted their liquidation reports to the Commission on Audit.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Gatchalian: 4 senador hindi na kumukubra ng sweldo