MISMONG ang tagapagtanggol ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial ang nagnguso sa pangalawang pangulo na tanging may alam kung paano at saan napunta ang confidential funds ng Department of Education (DepEd). Bukod kay Duterte, nilaglag din ni Atty. Michael Poa ang tinawag niyang mga “fund handlers” ng bise presidente — sina DepEd special disbursing officer (SDO) Edward Fajarda at former DepEd security officer Col. Dennis Nolasco. Sa pagtatanong ni private prosecutor Jay Tolosa Jr., umamin si Poa na wala siyang personal na kaalaman sa kung paano ginamit ang nasabing pondo ng DepEd sa panahon ng panunungkulan ni Duterte bilang Kalihim Kabilang sa mga punto ng prosekusyon sa pagsalang ng abogado ni Duterte sa witness stand ay pagiging chief of staff na siyang gumawa ng sagot sa audit observation memorandum (AOM) na inisyu ng Commission on Audit (COA) dahil sa nasilip na irregularidad sa paggasta ng nasa P15.54 million, na bahagi ng P112.5 million confidential funds ng kagawaran. Ani Poa, ipinaalam niya sa noo’y Education secretary ang AOM at humingi ng permiso dito na makipag-coordinate siya kay Fajarda. “In-inform ko po siya that we got the AOM, and I informed her and asked for permission if I can coordinate with the SDO, dahil ’yan lang naman ang alam ko na may alam dito sa mga pondo na ’to. And she said okay,” paglalahad pa ng former DepED chief of staff. Samantala, inamin din ni Poa na huli na rin nang malaman niya ang naging testimonya ni Fajarda sa Kamara kung saan sinabi ng huli na ang lahat ng tatlong P37.5 million na na-release na confidential funds ay direktang ibinigay kay Nolasco. Bukod dito, may testimonya rin ang defense counsel na pag-amin na walang confidential funds ng DepEd ang binigay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagdaraos ng mga Youth Leadership Summit (YLS). Ito’y sa kabila nang paggamit ni Poa sa sertipikasyon ng military officials hinggil sa nasabing aktibidad para sa pag-liquidate ng nasabing pondo. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Castro butata sa P4.5-billion confidential fund ni Marcos Financial records ni Sara at asawa nasa amin na – Ridon