TUKOY na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kinaroroonan ng puganteng senador na pakay ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Gayunpaman, nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag, kailangan pang matunton ang eksaktong pinagtataguan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa nakalipas na administrasyon.

Garantiya ng NBI chief, walang humpay ang isinasagawang manhunt operation, habang nagpapatupad ng mahigpit na pagbabantay para hindi na makalayo pa si Dela Rosa.

Nang hingan ng detalye kung saang rehiyon o lalawigan namataan ang puganteng senador, tumanggi magsalita ang NBI Director.

“Ang masasabi ko lang, nasa tamang direksyon na tao… naghihintay na lang ng tamang tiyempo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *