SA gitna ng kabi-kabilang pagbubuntis ng maaga, minabuti ng Department of Education (DepEd) na simulan ang pagmumulat sa mga kabataan sa wastong paggamit ng condom. Sa budget ng hearing ng Kamara, kinumpirma ni DepEd Secretary Sonny Angara na sisimulan na sa mga grade 8 students sa pampublikong ang wastong paraan sa paggamit ng mga contraceptives tulad ng condom. Una nang sinita ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña si Angara sa kawalan ng implementasyon ng Reproductive Law kung saan nakapaloob ang mga probisyon naglalayon tugunan ang teen pregnancy. “Hindi po nagsisinungaling ang mga datos, pabata nang pabata po ang kaso ng adolescent pregnancy at HIV sa bansa,” ani Cendaña. Tugon ng Kalihim, sinimulan na ang pagtuturo sa mga estudyante ukol sa pangangalaga sa katawan subalit pagdating sa pagtuturo sa paggamit ng contraceptive ay nakatakda na umano itong ituro sa Grade 8. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Romualdez, humirit ng hospital arrest sa Sandiganbayan Legarda at Leviste, di na uuwi sa Pilipinas?