SA paulit-ulit na extension ng medical leave at pagbebenta ng mga ari-arian sa Metro Manila, posibleng hindi na bumalik sa Pilipinas ang mag-inang sina Senadora Loren Legarda at Batangas Rep. Leandro Leviste.

Kapwa namumuro sa kabi-kabilang kasong katiwalian sina Legarda at Leviste.

Una nang sumingaw ang umano’y pagbebenta ng mga condominium units ng mag-ina sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig.

Binebenta na rin umano ni Leviste ang shares sa SP New Energy Corp. (SPNEC), ang solar company na itinayo ng batang kongresista.

Sina Legarda at Leviste ay umalis ng bansa sa magkahiwalay na flight noong Agosto 2, ilang araw matapos ianunsiyo ng Office of the Ombudsman na umarangkada na ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kasong plunder at graft sa mag-ina kaugnay ng pagkakasangkot sa exclusive franchises at kontrata sa mga solar projects ni Leviste na hindi naman natupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *