TIMBOG sa ikinasang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa lungsod ng Muntinlupa ang tatlong Chinese nationals na pinaniniwalaang bahagi ng isang mas malaking sindikato sa likod ng cyber crimes tulad ng online scam at investment fraud. Sa impormasyong ibinahagi ng BI, isinagawa ang operasyon noong nakaraang BIyernes matapos makatanggap ng timbre sa umano’y illegal POGO operation sa nasabing lungsod. Nang beripikahin ng kawanihan, agad na natukoy ang sentro ng operasyon sa kahabaan ng Kalye Montillano sa Alabang. Nang pasukin ang establisyemento, huli sa akto ang tatlong dayuhan habang nambibiktima gamit ang mga gadgets na kinumpiska rin ng mga operatiba bilang ebidensya. Kinilala ang mga nasakote na sina Qiao Zhong, 30, undocumented foreign national; Tang Ke, 31, overstaying foreign national na walang visa; Liu Peng, 35, overstaying foreign national; at Zhang Caiyu, 42, overstaying foreign national na may blacklist order at dating POGO worker. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Klase suspendido sa ilang bahagi ng Luzon 5 kawani ng Taguig LGU, sinampahan ng kaso