PORMAL nang sinampahan ng kaso sa Office of the City Prosecutor ng Taguig City ang limang empleyado na nagtangkang pigilan ang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman sa reclamation area sa kahabaan ng C-6 Road ng nasabing lungsod. Kabilang sa mga nahaharap sa kasong unjust vexation sina Rolando N. Iguis, Earl Mark P. Ramirez, Mac Jones L. Paña, Jeron V. Iguis at John Rimzkie A. Delloro na pawang nakatalaga sa Public Order and Safety Office (POSO) ng pamahalaang lungsod. Kasong obstruction of justice naman ang inihain laban sa 55-anyos na si Ephrim Araza. Setyembre 4 nang sadyain ng mga ilang tauhan ng Office of the Ombudsman ang tinabunang bahagi ng C-6 sa Barangay Sta. Ana sa Taguig City nang harangin at itaboy umano ng mga suspek si Ombudsman Graft Investigator retired Col. Rolly Onofre sa isinasagawang beripikasyon hinggil sa umano’y illegal reclamation. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Cyberscam hub sa Munti, bistado, 3 Intsik arestado