LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas magbibigay-daan sa mas pinalawig na termino ng mga halal na opisyales sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Sa botong 13 pabor at limang tutol, ganap nang inaprubahan ang panukalang batas na inihain ni Senador Francis Escudero — ang Senate Bill 2387 na nagtatakda ng dalawang five-year term para sa barangay at SK officials.

Kabilang sa mga kumontra sina Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III, Senador Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Joel Villanueva.

Sakaling ganap na maging batas, posibleng iusad sa 2028 ang Barangay at SK Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2, 2026.

Inaasahan naman pupulungin ang bicameral conference lalo pa’t aprubado naq rin sa Kamara ang kahalintulad na panukalang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *