NAMUMURO nang malaglag sa pwesto si Vice President Sara Duterte matapos magpasya ang Senate impeachment court na ibaba ang voting threshold para pagtibayin ang hatol sa pangalawang pangulo.

Sa botohan, 13 senador ang pumabor na ibaba sa 13 ang bilang ng senator-judges na sasang-ayon patalsikin si Duterte. Tanging si Senador Francis Escudero na tumatayong presiding officer ng impeachment court ang tumutol.

Hulyo 6 nang ilabas ni Escudero ang panuntunan ng impeachment court sa voting threshold na magsisilbing batayan ng hatol ng mga hurado. Sa nasabing ruling, 16 na boto ang kailangan para tuluyang matanggap si  Duterte bilang bise-presidente.

Samantala, binoykot naman ng minorya ang botohan. Kabilang sa mga hindi dumalo sina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla at Camille Villar.

Kapansin-pansin naman ang pagtawid ng bakor ni Senador Mark Villar na bumoto pabor sa pagbaba ng voting threshold.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *