SA kabila ng ingay bunsod ng pag-amin ng isang dating pulis na umano’y nagdeliver ng ‘maleta’ sa pamilya Duterte, hindi pa rin pinag-uusapan ng House prosecution panel kung gagamitin sa impeachment trial ang salaysay ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr.

“At the moment, wala pong pag-uusap kung ma-incorporate po yung Gracioso affidavit,” wika ni House prosecutor at Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon.

Ayon kay Ridon, sakaling ikonsidera ng prosekusyon na isama ang pasabog ni Gracioso para maidiin ang bise presidente sa kinakaharap sa impeachment charges, dadaan pa rin sa mahigpit na pagbusisi ang salaysay ng testigo.

“I understand nagkaroon na siya ng polygraph test, pero hindi lang naman polygraph test ’yung batayan para magkaroon po ng determination ng full vetting ng testimonya ho niya,” saad ng House prosecutor.

“So, at the moment, wala pong pag-uusap kung maisasama pa siya, or maisasama siya doon sa impeachment proceedings na hinaharap sa Senate,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ang affidavit at iba pang ebidensiyang isinumite ni Gracioso ay hindi naman agad-agad na tinatanggap.

Bilang bahagi ng imbestigasyon sa mga ibinunyag ng nagpakilala dating security head ni former Speaker Lord Allan Velasco, inimbitahan na umano ng NBI ang mga taong idinadawit sa ‘male-maletang pera.’

Sa impeachment trial, ang House prosecution ay nasa paglalatag na ng mga ebidensya sa Article II na may kaugnayan ni Duterte ng unexplained wealth at maling pagdedeklara ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *