HINDI kailanman pwedeng gamitin basehan ng hatol ang popularidad ng isang nasasakdal, ayon sa lupon ng tagausig kaugnay ng impeachment case na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte. “Ang ebidensya ang dapat pong magsalita. Ang ebidensya ang dapat maging basehan ng magiging desisyon ng ating mga hukom,” pahayag ni House impeachment team adviser and spokesperson Ace Barbers “Sa aming panig, sa prosecution team, ay naniniwala kami at kumpiyansa kami na matibay, mabigat at kapani-paniwala ang aming ebidensya,” dugtong ni Barbers. Para naman kay House prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, ang responsibilidad ng prosekusyon sa impeachment trial ay patatagin ang mga alegasyon laban sa nasasakdal sa pamamagitan ng pagprisinta ng mga matitibay na ebidensya at testimonya, nang hindi binibigyan-pansin ang political surveys. Ginawa ng dalawa ang pahayag nang hingan ng reaksyon hinggil sa lumabas na resulta ng Pulse Asia survey kung saan nakakuha si Duterte ng 50 percent presidential preference. Naniniwala si Barbers na hindi nakakaapekto ang resulta ng mga political surveys sa paglalapat ng desisyon sa kasong kinakaharap ng bise-presidente. “’Yung 1,500 respondents will not dictate the result of the impeachment trial,” dagdag ng former Surigao del Norte lawmaker at governor. Samantala, sinabi ni Ridon na sa huli ay hindi naman survey ang mananaig, bagkus ay ang mismong resulta ng isasagawang halalan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sara at Mans, namumuro sa money laundering? Bonoan pandiin sa kasong plunder kontra Jinggoy