KASABAY sa pagdiriwang ng ika-125th anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG), ibinida ng pamunuan ng Kamara ang pinagtibay na panukalang batas na sadyang binalangkas sa hangarin tugunan ang kinakaharap na hamon sa karagatan.

Sa temang “One Sea, One Mission, One Legacy: 125 Years of Guarding the Nation’s Maritime Future,” pinagtuunan ang “maritime safety and security” sa gitna ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Faustino Dy III para makiisa sa mga opisyal at kawani ng PCG. Kabilang rin sa mga nakiisa sina Department of Transportation (DoTR) acting Secretary Giovanni Lopez, Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ay ginanap sa Eva Macapagal Super Terminal sa Manila South Harbor.

Ayon kay Marcos, higit na kailangan i-prayoridad ang kaligtasan at kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda, gayundin ang “coastal communities” habang pinangangalagaan ang interes ng bansa.

“As we mark 125 years of the Philippine Coast Guard, let us look to the horizon with confidence and a renewed commitment to strengthening its capabilities and readiness to respond to increasingly complex maritime challenges,” wika ni Pangulong Marcos.

“The waters that connect our islands must be a source of opportunity for our people, not a source of fear or uncertainty,” dugtong ng punong ehekutibo.

Sa panig ni ng House Speaker, inanunsyo ang pag-apruba sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara sa House Bill 11562, (Revised Philippine Coast Guard Law) na nakatuon sa organizational reforms, pagpapalakas sa operational capabilities, at mas magandang benepisyo para sa personnel at kani-kanilang pamilya.

Nakapaloob sa HB 11562 ang pagkakaroon ng mas pinahusay na kakayahan ng PCG sa pagtugon sa maritime accidents, illegal activities sa karagatan, environmental emergencies, at banta sa maritime security ng bansa.

Para naman sa pangangalaga sa kalikasan, palalakasin din ang pagresponde ng PCG sa maritime pollution, kabilang ang oil spills, at pagpapatupad ng batas sa illegal fishing.

Sa operational capabilities ng PCG, isinusulong ng HB 11562 ang pagkakaroon ng rescue at hospital ship, maritime monitoring surveillance and communications system, port facilities, air assets, at air stations ng ahensya.

Iminungkahi rin ang pagtatatag ng Philippine Coast Guard Academy para sa training at professional development ng future officers, at palakasin ang internal accountability mechanisms ng ahensya at pagbuo ng reserve force na magsisilbing katuwang sa national emergencies at disasters.

Bukod sa mga kagamitan at pasilidad, target din ng panukalang batas ang organizational reforms sa PCG kung saan isasailalim sa regular na training ang mga tauhan nito habang ang nasa hanay ng uniformed personnel ay tatanggap ng katulad na base pay, hazard pay, at iba pang benefits at allowances” ng katumbas na ranggo ng Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Bibigyan naman ng medical assistance, disability pensions, retirement benefits at financial support ang qualified surviving family members ng PCG personnel.

Pasok din sa pinagtibay na panukala ang full coverage ng educational expenses, gaya ng allowances, living expenses, transportation at libro hanggang sila ay makatapos ng degree program, sa mga anak ng PCG personnel na nasawi sa pagganap ng tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *