“SA bawat kabataang Pilipino na nagsisikap para maabot ang kanilang mga pangarap, katuwang ninyo ang Kongreso. Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan para hindi makapagtapos ng pag-aaral ang kabataang Pilipino.” Ito ang binigyan-diin ni House Speaker Faustino Dy III sa kanyang talumpati matapos na aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang 2027 national budget. Partikular na ibinida ng lider-kongresista mula sa lalawigan ng Isabela ang P10.06 bilyong karagdagang pondo para sa sektor ng edukasyon. Ayon kay Speaker Dy, ang karagdagang alokasyon ay naglalayon suportahan ang school safety, inclusive learning, academic recovery, at access sa quality tertiary education. Sa nasabing halaga, P2.1 billion ay inilaan para sa Tertiary Education Subsidy, P1.93 billion para sa Basic Education Voucher Program na naglalayon tulungan ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6, at ang P1.77 billion naman para sa Tulong Dunong Program. Naglaan din ang Kamara ng dagdag na P500 million para sa School Safety and Security Program para protektahan ang mga estudyante at tugunan ang pangamba ng mga magulang hinggil sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak habang nasa paaralan. “Bukod sa proteksyon ng ating mga anak, kailangan din natin tiyakin na mayroon silang pagkakataong makapag-aral, makapagtapos, at magkaroon ng magandang kinabukasan,” sabi pa ng House Speaker. Ipinabatid ni Dy ang paglusot sa third and final reading ng Basic Education Voucher Assistance Act, para mapalawak ang voucher assistance sa kindergarten at elementary learners. “Ang Basic Education Voucher Assistance Act—na nagpapalawak ng voucher assistance hanggang kindergarten at elementary learners—ay naipasa na natin sa third reading,” sambit pa ng pinuno ng Kamara. Binanggit din ni Dy pagsasabatas ng amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, kung saan prayoridad ang mga mag-aaral mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) households at pagpapalawak din ng tulong para sa disadvantaged students. “Naipasa na rin bilang batas ang mga pagbabago sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na nagbibigay ng prayoridad sa mga mag-aaral mula sa 4Ps families at nagpapalawak ng tulong para sa disadvantaged students,” pahayag pa niya. Samantala, iniulat din ng lider ng Kamara ang ratipikasyon sa Presidential Merit Scholarship Program, na isang LEDAC priority measure. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation PCC ruling kontra onion cartel, tinukuran ng solon Pagsusuot ng sando sa loob ng klase, aprub sa DepEd