DINAKIP sa loob mismo ng husgado sa San Juan City ang 14 miyembro ng tinaguriang Maleta Boys, kasama ang kanilang abogado bunsod ng kasong “unjust vexation.” Bukod sa mga dating sundalo, kasama rin sa mga inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 69 sa Iba Zambales, si Atty. Levito Baligod na tumatayong abogado ng mga akusado. Ayon kay San Juan City Police chief Col. Anthony Gantang, naganap ang pag-aresto habang papalabas ang mga akusado sa San Juan City Hall of Justice matapos dumalo sa isang pagdinig ng San Juan City RTC. Nakatakda naman maglagak ng piyansa ang mga akusado. Samantala, kinastigo ni Malou Baligod, asawa ng arestadong abogado, ang “political harassment” ng administrasyong Marcos. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mamahaling hikaw pinitas, tainga ng model napilas