DAHIL na nakaambang matinding alinsangan bunsod ng tinaguriang Super El Niño, binasbasan ng Department of Education (DepEd) ang panawagan payagan ang pagsusuot ng sando ng mga estudyante sa loob ng klase.

Ayon sa DepEd, saklaw ng pahintulot sa pagsusuot ng sando ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan.

Gayunpaman, nilinaw ni DepEd Secretary Sonny Angara na kailangan pa rin maging presentable ang pananamit ng mga estudyante para mapanatili ang kaayusan sa loob ng paaralan.

Sa direktiba ng Kalihim, hindi aniya kailangan pilitin ang mga mag-aaral na magsuot ng uniporme sa kanilang pagpasok lalo na kung nahihirapan sa paglalaba dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *