"The contract entered into by a couple prior to marriage or civil union. The contract usually covers such items as division of property, assets and spousal support in the event of a divorce or breakup of a marriage. Not all countries recognise a Prenuptial Agreement as having legal standing."

POSIBLENG hugutin ng depensa ang isang ‘prenuptial agreement’ sa pagitan ni Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio para palabasin na hindi pag-aari ng pangalawang pangulo ang tagong yaman na nalantad sa paglilitis ng Senate impeachment court.

Gayunpaman, tiniyak ni private prosecutor Lorna Kapunan na handa ang prosekusyon sa posibilidad na gamitin ng kampo ni Duterte ang prenup agreement — kung meron man.

Garantiya ni Kapunan, agad na kukwestyunin at maingat na bubusisiin ng panig ng tagausig ang sinasabing prenup agreement na inaasahang gagamitin ng depensa para sagipin si Duterte sa nalalapit na pagwawakas ng karera sa pulitika.

“If meron sila, magtataka kami if all of a sudden sa defense— defense eh, meron silang— all of a sudden there’s a prenuptial agreement. So, we would raise doubts on that, on the authenticity,” sambit ni Kapunan.

Aniya, inaasahan na ng prosekusyon na gagamiting argumento ng depensa na hindi maaaring isama ang mga dokumentong may kaugnayan kay Caprio bilang ebidensya dahil hindi naman ang esposo ang nahaharap sa impeachment complaint.

Nauna nang ipinunto ng prosekusyon na batay sa Family Code, ang isang ari-arian ay maituturing absolute community of property ng mag-asawa matapos ang kanilang kasal.

Maaari namang ang assets ng sinuman sa dalawa na kanila bago ang kasal ay maaaring hindi maturing pag-aaari na rin ng asawa matapos ng kanilang kasal kung mayroon silang prenuptial agreement.

Ngunit, nakasaad din na hindi awtomatikong inaalis ang obligasyon ng isang public official na ideklara ang financial interests nilang mag-asawa kahit pa mayroong silang prenuptial agreement.

Matatandaan na kabilang ang financial records at business documents ni Carpio sa pinagbatayan na pagkakaroon umano ng P817.87 million unexplained assets nilang mag-asawa mula 2022 hanggang 2025.

“The presiding officer already has mentioned once, that this is absolute community of property. In other words, what belongs to the husband belongs to the wife,” giit ni Kapunan.

“All of a sudden something surfaces. Then we will question: is it fraudulent?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *