MALINIS na rekord at mahabang panahon ng serbisyo bilang katuwang na mahistrado ang isa sa mga bentahe ni Associate Justice Marvic Leonen na kabilang sa talaan ng mga nominado para sa susunod na Supreme Court Chief Justice. Sa isang panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel, binigyang-diin ni Atty. Jesus Falcis ang tinawag niyang “seniority.” Gayunpaman, nilinaw ni Falcis na posible rin umanong makasilat si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Kapwa sila itinalaga ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. “By seniority po, si Acting Chief Justice Leonen at si Justice Caguioa, malakas po ang kanilang laban in terms of seniority,” ani Falcis. Pero aniya, “But seniority is not always a guarantee na kayo po ay maa-point na Chief Justice.” Bukod kina Leonen at Caguioa, kabilang rin sa mga nominado para maging punong mahistrado sina Associate Justices Japar Dimaampao, Rodil Zalameda at Jose Midas Marquez na pawang itinalaga ni former President Rodrigo Duterte. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 8 trial days hirit ng depensa para ilatag kontra ebidensya