SA gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo, hinimok ng isang partylist congressman ang mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa mga pamantasan para palakasin ang produksyon ng mga electric vehicles (EV). “Collaborate with academe in producing electric vehicles for public transport.” panawagan ni Solid North partylist Rep. Ching Bernos sa mga lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang panig ng bansa. “Shifting to EVs is a long-term solution that will decrease our dependency on oil and protect our transport sector and the riding public from volatilities that are outside our control,” paliwanag ng mambabatas. “I believe our state universities and colleges are perfectly capable of producing market-ready EVs. Ang kailangan ngayon ay mabigyan ng pagkakataon na maitanghal ang kakayahang ito sa tulong ng mga LGU,” dugtong ni Bernos na miyembro ng House committee on local government. Para kay Bernos, napapanahon na para sa malawakang implementasyon ng Republic Act 11697 (Electric Vehicles Industry Development Act) na mas kilala sa tawag na EVIDA Law. Sa ilalim ng naturang batas, inatasan ang mga local government units (LGU) na unti-unting itulak sa EVs ang transportation fleet na ginagamit sa paghahatid ng serbisyo mula sa gobyerno. Tampok din sa RA 11697 ang pagtatalaga ng EV charging stations at “dedicated lanes” sa nasasakupang lokalidad. Aniya, makakatulong din ang local EV designers at producers na palaguin ang ekonomiya, bukod pa sa lilikhaing trabaho. Hindi rin umano matatawaran ang magandang epekto ng EVs na may mababang greenhouse gas emissions. Kamakailan lang nang ihain ni Bernos ang House Bill 3126, o ang On-Grid Solar Energy Systems bill, na nag-aatas para pagkakaroon ng on-grid solar energy systems sa lahat ng national at local government-owned buildings at offices para mabawasan ang bayarin sa kuryente. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Halaga ng piso balabag sa bagong all-time record-low