ASAHAN ang muling pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng patuloy na pagbagsak sa halaga ng piso kontra dolyar. Sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nagtala ng panibagong all-time record low ang piso. Base sa palitan ng piso, nagkakahalaga na ngayon ng P63.52 ang kada US dollar. Ayon sa Bankers Association of the Philippines, nagsara ang piso sa P63.52 kada dolyar katumbas ng paghina 15.9 sentimos mula sa P63.361 na naitala noong Miyerkules. Karaniwang dolyar ang pambayad ng mga importers sa mga inaangkat na produkto sa ibang bansa. Gayundin ang sistema sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas sa iba’t ibang local at international financial institutions. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Marcos inurot, persona non grata sa Chinese envoy iginiit