KINUMPIRMA ng isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na nasa red alert o watchlist status ang mga indibidwal na iniuugnay sa naunsyaming drug smuggling papasok ng Pilipinas. “I would just like to ask if there is a hold departure order,” ang pag-usisa ni Las Pinas Rep. Mark Anthony Santos, sa briefing na ipinatawag ng pinamumunuan niyang House Committee on Dangerous Drugs. Ayon sa kay BI officer, Atty. Vicente Uncad, dahil wala pang kaukulang kaso na isinampa laban sa tinukoy na “persons of interest,” ang magagawa lamang ng ahensya ay isama sa red alert list ang hinihinalang sangkot sa naturang bulilyaso. Kapag aniya tinangka ng sinuman sa mga indibidwal na iniuugnay sa nasabat na P3.5 billion illegal drugs lumabas ng bansa at dumaan sa immigration counter, agad na makakarating ang impormasyon sa kaukulang law enforcement agencies, kabilang na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nais ni Santos na ipagbigay-alam ng bawat law enforcement agencies kung paano mino-monitor ang mga taong tinukoy na nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng droga, sa pamamagitan ng pagsusumite sa “written findings” at “verified information” sa kanyang komite. Gayundin ang update sa matatanggap na reports o impormasyon mula sa overseas counterparts, kabilang na ang pagtukoy sa Philippine connection ng drug shipment. Pinasusumite rin ng House panel chair ng listahan ng mga equipment, staff, training at information system na kanilang kailangan at magbigay ng rekomendasyon sa kung anong kaukulang batas at badyet na maaaring ikonsidera pagtibayin ng Kamara. Kaugnay nito, hinimok ni Santos ang Department of Justice (DOJ) na agad na makipag-ugnayan sa Malakanyang para isulong ng pagpapatupad ng Executive Order No. 15, na inisyu noong March 6, 2017 hinggil sa pagbuo ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Binigyang-diin niya na mahalagang maging ang aktibo ang itinuturing na central inter-agency ng pamahalaan na siyang dapat tumutok sa coordinate at integrate anti-illegal drug policies, programs, at operations para sa matagumpay na kampanya laban sa ilegal na droga. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Nasabat na droga sa Laos, di tiyak na sa Pinas ibabagsak Face-off ni Trump at Xi Jinping sa ASEAN Summit, malabo?