TATLONG linggo bago ang takdang petsa para sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa Pilipinas, wala pa rin katiyakan sa pagdalo ni Chinese President Xi Jinping, sa kabila ng kumpirmasyon sa pagdating ni US President Donald Trump.

Ayon sa Palasyo, puspusan na ang paghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang punong-abala sa nalalapit na pagtitipon sa Nobyembre ng mga lider mula sa mga bansang nasa timog-silangang Asya.

Gayunpaman, inamin ng Malacañang na wala pang abiso sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang China kung dadalo ang kanilang pangulo — o magpapadala na lang ng emisaryo.

Kabilang sa inaasahang paksain sa ASEAN Summit ang lumalalang sitwasyon sa West Philippine Sea.

“For China, traditionally, it’s the Chinese Premier who attends the ASEAN summits. But we also do not have official confirmation of the attendance as of this moment, as we speak,” anang DFA sa isang pahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *