SA huling yugto ng Senate impeachment trial, umaasa ang prosekusyon na magpapakitang gilas ang mga abogado ng nasasakdal sa bisa ng tagisan ng argumento.” Ayon kay House impeachment adviser and trial spokesperson Ace Barbers, sa muling pag-usad ng paglilitis sa bise presidente, ang depensa naman ang may pagkakataong ilatag ebidensya para kontrahin ang naunang mga pruweba at testimonyang naibahagi ng prosekusyon. Dahil sa mismong ang nasasakdal ang may matapang na pahayag at naniniwala rin si Barbers na mayroong sapat na panahon ang defense counsel na makapag handa, pagkakataon na ito ng panig ng nasasakdal na totohanin ang ‘bloodbath statement’ nito. “And as what the Vice President has always mentioned, we will expect a bloodbath, no? ’Yan ang ine-expect natin. Kung totoo nga na magiging bloodbath ito, ay tingnan natin,” pahayag ng former Surigao del Norte lawmaker. “Well, I’m sure they have already, defense counsel has already prepared for this. “Matagal-tagal na at mahabang panahon na sila ay naghanda para dito. Bigyan natin ng pagkakataon ang depensa na ipakita ang kanilang ebidensya,” dugtong niya. Sinabi ni Barbers na apat na pangunahing usapin ang dapat masagot ni Duterte partikular ang nalantad sa pagbusisi ng financial records nito. Paliwanag niya, sa ilalim ng Article II ng impeachment charge kontra sa bise presidente, nabusisi ng prosekusyon ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) nito, kaugnay na rin sa akusasyon ng unexplained wealth, pagkakaroon ng business interests habang nanunungkulan sa pamahalaan at ang remittances mula sa China. Una na rito ang asset declarations ng nasasakdal kung tumutugma sa bank balances, insurance policies, investments at real properties na iniuugnay sa kay Duterte. Pangalawa ay kung ang idineklara niyang kita ay sapat para naging mga ari-arian nito at pangatlo, ay kung bakit mayroon itong business interests gayung ipinagbabawal ito sa mga matataas na opisyal ng gobyerno. Panghuli ang nadiskubreng foreign remittances, partikular mula sa China o pagpasok ng pera sa bank account negosyong may kaugnayan umano kay Duterte. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Paglilitis pinaikli para maiwasan ang ‘impeachment fatigue’ Barbers kay Sara: Pang-masa ang drama, bigtime ang bulsa