SINILIP ni House impeachment adviser and trial spokesperson Ace Barbers ang hindi maikakailang pagkakaiba sa nabistong ‘year-end’ balance sa bank accounts at sa idineklara ni Vice President Sara Duterte sa “other personal properties” ng 2024 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon kay Barbers, kung susundan ang naging forensic financial analysis ni CPA-Lawyer Alexander Cabrera, sa nasabing taon ay nasa P22.24 million ang year-end bank balances ni Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio.

Subalit sa 2024 SALN ng bise presidente, iniligay nito sa “other personal properties” ng isinumiteng 2024 SALN na nagkakahalaga ito ng P21.13 million.

“Kung titingnan natin, assuming for the sake of argument na inilagay nila ’yung kanilang cash doon sa others na column sa kanilang SALN, makikita natin na ito ay hindi pa rin nagtutugma doon sa records na nanggaling mismo sa mga bangko,” pagbibigay-diin ni Barbers.

“Ngayon ang tanong, ’yung kanilang others na dineklara na 21 million ay mas mababa doon sa halaga ng kanilang outstanding balances sa bangko. Ano ibig sabihin niyan? Hindi nagdeklara ng totoong amount ang ating pangalawang pangulo sa pag-fill-up niya ng kanyang SALN,” dugtong niya.

Matatandaan na naging argumento ng kampo ng bise presidente na hindi makikita sa SALN nito ang deklarasyon ng ‘cash-on-hand’ at ‘cash-on-bank’ dahil isinama na ito sa “other personal properties”.

Paalaala ni Barbers, sa testimonya ni former Sandigabayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa impeachment court, ang pagsasama-sama ng iba’t-ibang assets sa isang kategorya sa wealth declaration sa SALN ay paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

“Cash on hand and cash in bank—they must be specifically declared in the SALN,” mariing sabi pa ni Cabotaje-Tang.

Sa pagsalang ni Ombudsman records officer Karen Batu sa Senate court, sinabi nitong sa 2019 hanggang 2025 SALNs ni Duterte ay wala itong idineklarang hiwalay na cash on hand at cash in banks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *