BILANG na ang araw ni Vice President Sara Duterte sa pwesto, ayon sa isang kongresista kasabay ng giit na walang lusot ang pangalawang pangulo sa usapin ng “unexplained wealth.” Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, mahihirapan si Duterte ipaliwanag ang pagkakaroon ng tinatayang P463 million na umano’y unexplained wealth — bukod pa sa kita ng mga kumpanyang pinaniniwalaang pag-aari ng asawang si Atty. Mans Carpio. Giit ni Alonto Adiong, matibay ang nilalaman ng Article II o alegasyon na mayroong hindi maipaliwanag na yaman ang bise presidente batay sa naiprisintang ebidensya na halaw sa iba’t-ibang financial records ng Duterte-Carpio couple. Partikular na tinukoy ng Lanao del Sur lawmaker ang naging forensic financial analysis ni lawyer-CPA Alexander Cabrera, kabilang na ang pagbibigay ng conservative estimate na P817.87-million na umano’y undeclared assets at unexplained wealth ng mag-asawa. Aniya, meron din pagbusising ginawa sa bank at financial records ni Duterte kung saan kahit hindi umano isama ang kita ng mga kumpanyang iniuugnay dito ay aabot pa rin sa P463 million ang unexplained wealth ng nasasakdal. Paliwanag ng mambabatas, kasama sa mga pinag basehan ang bank balances, real properties, posibleng undeclared income at interests sa ilang negosyo ng bise presidente. Kasama rinumano sa mga nasilip ni Cabrera ang bank deposits na hindi idineklara ni Duterte sa isinumiteng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at ang diperensya sa iniulat na yaman at iba pang financial records. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Record-High: Utang ng Pinas, umabot na sa P19.66 trilyon Mga Pinoy abangers sa guilty verdict kay Duterte