PATULOY na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar ang nakikitang dahilan sa likod ng pagsipa ng utang ng Pilipinas mula sa iba’t ibang banking and financial institutions. Sa datos ng Bureau of Treasury, umabot sa record-high na P19.66 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong Setyembre ng kasalukuyang taon — mas mataas ng 0.27 percent kumpara noong buwan ng Agosto. Kung pagbabasehan ang utang ng bansa noong Setyembre ng nakalipas na taon, lumalabas na pumalo na sa 12.63 percent antas ng pagtaas ng utang ng Pilipinas ngayong taon. Sa pagtataya ng BTr, nadagdagan ng halos P2 trilyon (katumbas ng 11.03 percent) ang utang ng Pilipinas mula Enero hanggang Setyembre. Sa kabuuang halaga ng pagkakautang ng bansa 67.39 percent (katumbas ng P13.25 trilyon) ang pasok sa kategorya ng “domestic debt.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sara Duterte lagot sa BIR, tax evasion namumuro