HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang hatol ng korte laban sa isang babaeng banyaga kaugnay ng pagpupuslit ng 13 kilo ng cannabis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong taong 2024. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani Nerez ang dayuhan sa pangalang Sirirut Taweesup na tubong Thailand. Sa isang 14-pahinang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court, napatunayang nagkasala si Taweesup sa paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Guilty rin ang hatol ng korte sa dayuhan bunsod ng paglabag sa Section 1401 (e) in relation to Section 119 (d) of Republic Act No. 10863 na mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act. Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, inatasan din ng korte ang dayuhan magbayad ng P5-milyong multa. Sa rekord ng korte, dinakip si Taweesup matapos mabisto ang dalang droga matapos ang paglapag ng eroplano sa paliparan noong Agosto 14, 2024.. Narekober sa dayuhan ang 13 kilo ng tuyong dahon ng cannabis, na may tinatayang halaga sa merkado na P18.4 milyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 3 pulis na nanakit sa journo, lagot sa Napolcom 3 menor de edad kalaboso, nangholdap sa Kyusi