HINDI nakalusot sa mga listong kawani ng pamahalaan ang panibagong tangkang pagpupuslit ng droga sa Manila International Container Port (MICP). Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDeA), hindi bababa sa 200 kilo ng shabu (katumbas ng halagang P1.36 bilyon) ang nabisto sa vacuum-sealed plastic bag na isinilid sa 50 cardboard boxes na nakaimbak sa naturang pasilidad. Ayon sa PDEA, nagmula sa bansang Laos ang nasabat ng shabu. Mas hinigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagsusuri sa mga pumapasok at lumalabas na kargamento kasunod ng pagkasabat ng mahigit kalahating tonelada ng droga sa Laos. Bukod sa PDeA, kasama rin sa isinagawang operasyon ang BOC at Philippine National Police (PNP). Sa impormasyon ibinahagi ng BOC, Oktubre 6 nang dumating ang container sa Manila North Harbor. Sa rekomendasyon ng PDEA, agad na sinuri ang mga kargamento. Matapos ang walong araw, lumabas ang resulta — positibong shabu ang nakuha sa naturang kargamento mula sa bansang Laos. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Magdyowa nakitang patay sa banyo ng nasunog na bahay