USAP-USAPAN sa social media ang umano’y plano ng Philippine National Police (PNP) gamitin ng pwersa sa pagdakip kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na may patong na P50-milyong pabuya.

Gayunpaman, nilinaw ni PNP spokesperson Col. Allen Rae Co na walang shoot-to-kill order laban sa puganteng senador na pakay ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICc) bunsod ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.

Partikular na tinukoy ni Co ang nagkalat na social media post hinggil sa umano’y mungkahi ng isang kongresista na ipatupad ang shoot-to-kill order laban kay Dela Rosa.

Samantala, itinanggi ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan ang anumang kaugnayan sa kumakalat na social media post.

“It has come to my attention that several social media pages are amplifying a false and malicious statement falsely attributed to me,” wika ni Suan.

“The quote circulating online claiming I threatened a House hearing and a ‘shoot-to-kill’ resolution against Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa is FALSE, FAKE, FABRICATED. I never made that statement,” dugtong ng mambabatas.

“I stand firmly for due process and the rule of law. Please verify information through official sources before sharing. Do not spread fabricated statements,” aniya pa.

Sa panig ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nanindigan ang hepe ng pambansang pulisya na kailanman susuportahan ng PNP ang anumang karahasan bilang paraan para dakpin ang isang pugante.

Aniya, ang tungkulin ng mga pulis ay magpatupad ng batas at hindi ang ilagay sa sariling kamay ang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *