TINIYAK ni Quezon Rep. Mark Enverga ang mahigpit na pagbabantay ng Kamara sa mga ahensyang inatasan tugunan pagpapatupad ng mga programang naglalayong ibsan ang epekto ng Super El Niño sa agrikultura. Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, ibinahagi ni Enverga ang pagbuo ng interagency task force na magbabantay para masiguro ang tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor na apektado ng “severe weather phenomenon.” Ayon kay Enverga na tumatayong chairman ng nasabing komite, pangunahing layunin ng congressional inquiry tiyakin ang kahandaan ng pamahalaan sa tagtuyot. Hangad din aniya ng komite matiyak na may nakalaang pondo ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga inisyatibang naglalayong protektahan ang sektor ng agrikultura. “I wish to emphasize that this inquiry is conducted upon the personal instruction of the Honorable Speaker Faustino Bojie Dy III to ensure that allocated public funds and relief budgets are fully, transparently, and directly implemented for our severely hit beneficiaries,” wika ni Enverga. “The Congress wants to determine whether the initial P6.2 billion released under the government’s Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport or UPLIFT program for fuel, fertilizer and direct assistance is reaching more than 310,000 targeted small farmers and fisherfolk,” dugtong ng kongresista. “We must verify whether field disbursements in hit regions are reaching intended beneficiaries,” aniya pa. Giit ni Enverga ang panukala ng DA na P61.99-billion na consolidated action plan ay dapat magkaroon ng konkretong resulta para sa agricultural communities. “Our duty in Congress is to ensure that strategy translates directly into protection on the ground,” dugtong pa ng mambabatas. Iminungkahi rin ni Enverga ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa hanay ng ng government agencies para sa “transparent distribution” ng tulong at mabilis na aksyon kapag nagkaroon ng funding shortages. “Hindi na kayang maghintay ang ating mga magsasaka at mangingisda. Hinihingi natin sa lahat ng ahensya na dumalo ngayon ang mga tiyak at tapat na kasagutan upang agad tayong makapaghatid ng mabilis at nakatutok na tulong sa ating sektor ng agrikultura,” ani Enverga. Isa rin aniya sa babantayan ng Kamara ang P371-million funding gap para sa critical interventions, gaya ng specialized cloud seeding at ang pagsugpo sa pesteng nagbabanta sa sugarcane production. Kabilang sa mga dumalo sa House panel hearing ang mga kinatawan ng DA, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Irrigation Administration (NIA) at iba pang government agencies, gayundin ang mga private agricultural groups. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Halos P62-billion El Niño response funds kasado na