TARGET ng Department of Finance (DOF) isulong ang mas mataas na singil sa buwis ng “sweetened beverages” tulad ng softdrinks. Sa isang panayam, partikular na tinukoy ni Finance Undersecretary Fermin Adriano ang pagpapataw ng karagdagang excise tax bilang bahagi ng Promoting Growth, Revenue, and Equity towards Socio-Economic Sustainability o mas kilala sa tawag na ProGRESS tax reform package. Bukod aniya sa karagdagang buwis na malilikom, partget din umano ng pamahalaan isulong ang kalusugan ng mga mamamayan alinsunod sa inisyatibang nakapaloob sa ProGRESS Bill. “The main concern that we are really addressing here is the public health concern,” ani Adriano. Sa ilalim ng mungkahi ng kagawaran, itataas sa P20 (mula sa umiiral na P6) ang excise tax rate sa sugar at artificial sweeteners Papalo naman sa P40 kada litro ang buwis sa mga high-fructose corn syrup. Batay sa mga isinagawang pag-aaral, lumalabas na humigit-kumulang 80 percent ng pagkamatay ng mga Pilipino ngayon ay may kaugnayan sa non-communicable diseases na karaniwan umanong dulot ng labis na pagkain o pag-inom ng mga matatamis na pagkain o inumin. “We are proposing to update some of these excise taxes to provide a signal to consumers to reduce their consumption,” wika ni Adriano. Binanggit din niya ang chronic kidney disease. Aniya, nasa 84,000 ang may sakit na ito sa Pilipinas noong 2025 at nasa 1 milyon ang karaniwang gastos sa dialysis kada taon. Posible rin aniyang umabot sa 84 bilyon para sa dialysis pa lamang. Inaasahan naman aabot sa P75 bilyon ang taunang kita ng pamahalaan mula sa ipinapataw na excise tax sa mga sweetened beverages. “It will generate for the sweetened beverage on average around 75 billion pesos annually, assuming that the DOF version will be passed into law.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kongreso walang K buwagin ang partylist system