SA halip na “ligaya,” purnada ang inabot ng isang 31-anyos na binata matapos holdapin ng mga ka-eyeball sa Cubao Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District – Cubao Police Station, arestado ang tatlo sa apat na suspek na nakilala sa social media. Pag-amin ng biktima, inakala niyang babae ang mga katagpo noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga suspek sa alyas na Marc, Albert at alyas Bendo. Sa imbestigasyon ng Cubao Police Station, nagkasundo umano ang biktima at z ang mga suspek na magkita sa panulukan ng kalye Del Pilar at Don Jose sa Barangay San Roque. Pagdating sa lugar ng biktima, lumapit ang mga suspek at agad na nagdeklara ng holdap. Tinangay ng mga suspek ang cellphone at pera ng biktima. Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Matapos ang insidente, dumulog sa presinto ang biktimang agad na itinawag sa nagpapatrolyang pulis ang insidente hanggang sa tuluyang nasakote ang tatlo sa apat na suspek. Narekober din sa mga inarestong suspek ang kinulimbat na cellphone, gayundin ang pengun at patalim na ginamit sa insidente. Sinampahan na ng kasong robbery hold-up ang mga suspek. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tambalang Revillame-Tulfo, namumuro sa Quezon City