BINAWI ni Quezon City Jail Warden Supt. Maria Lourdes Pacion ang ibinahaging impormasyon hinggil sa pananatili umano ng mga alalay ni dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng selda ng kongresistang nakakulong bunsod ng kasong plunder.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandiganbayan, nilinaw ni Pacion na pinapayagan lamang pumasok si Arvin de Guzman tuwing visiting hours, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Paliwanag ng warden, ang 24/7 arrangement na tinutukoy niya ay nangangahulugang nakaabang o “on call” si De Guzman, at hindi ibig sabihin ay kasama ng preso sa loob ng selda.

“Nataranta ako, Your honor. Mali ang nasagot ko, Your honor,” pag-amin ni Pacion sa Sandiganbayan Third Division.

Aniya, ang kanyang pahayag ay naglalayong bigyang linaw ang maling interpretasyon ng publiko. Hindi rin aniya totoong labas-pasok ang mga alalay ni Romualdez sa pasilidad na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology.

ang mga alalay sa loob ng kulungan.upang hindi isipin ng publiko na may personal assistant si Romualdez sa loob ng kulungan anumang oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *