MATAPOS ang pitong buwan, ibinalik sa pwesto bilang Secretary ng Commission on Appointments si Mark Llandro Sa isang kalatas, kinumpirma ng senado ang pagtatalaha kay Mendoza kapalit ni Myra Marie Villarica na nagsilbing punong-abala ng CA secretariat. Pangunahing trabaho ng CA magbigay ng administrative at technical support sa pagsusuri sa mga nominado ng Pangulo para sa mga mahalagang pwesto sa gobyerno. Bago pa man ang pagtatalaga, nagsilbi si Mendoza sa parehong posisyon sa panahon ng panunungkulan ni Senador Vicente Sotto III bilang Senate President. Buwan ng Mayo magbitiw si Mendoza bunsod ng kudeta sa senado na nagbigay sa pagluklok ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong pinuno ng mataas na kapulungan ng Kongreso. Gayunpaman, tumagal lang ng 11 araw ang pagiging lider ng Cayetano matapos mag ober-da-bakod ang dalawang kaalyado. Taong 2020 hanggang 2022 naman tumayong Secretary-General ng Kamara si Mendoza sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Lord Allan Velasco at presidential adviser on legislative affairs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula 2022 hanggang 2025. Dati rin siyang kongresista sa Kamara. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Maguindanao Massacre case tapusin agad — Korte Suprema Petition for bail ni Marcoleta, tinabla ng Sandiganbayan