MANANATILI sa likod ng rehas ng New Quezon City Jail si Senador Rodante Marcoleta matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang hirit na makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan. Sa resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, partikular na tinanggihan ng anti-graft court ang petition for bail ni Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap ng P75-milyong halaga ng campaign donations. Damay rin sa resolusyon ng Sandiganbayan Third Division si dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor at dalawa pang kinilala sa pangalang Joseph Espiritu at Aristotle Viray. Ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, malakas ang ebidensya laban sa mga akusado. “In this case, the evidence of guilt against Sen. Marcoleta, Defensor, (Joseph) Espiritu, and Aristotle Viray is strong,” ayon sa korte. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Bata ni Sotto ibinalik bilang CA secretary