TULUYAN nang nawalan ng pag-asa ang pamilya ni former President Rodrigo Duterte matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga hirit ng Writ of Habeas Corpus na kumukwenstyon sa pagdakip na isinagawa ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulo.

Sa botong siyam na mahistradong pabor at apat na tutol, nanindigan ang Korte Suprema na wala nang saysay na dinggin ang mga petisyon lalo pa’t nakakulong na sa The Hague ang dating Pangulo. Hindi rin anila posibleng ipatupad ng korte ang Writ of Habeas Corpus sa ibang bansa.

Partikular na tinukoy ng hukuman ang pagbasura sa mga petisyong magkakahiwalay na inihain ng mga anak ng dating pangulo – Sebastian, Veronica at Paolo Duterte.

Giit ng mga anak ni Duterte, hindi pwedeng ipatupad ang ICC arrest warrant matapos ang pormal na pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2017. Labag din anila sa 1987 Constitution ang pagdakip sa dating Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *