PARA iwas-bulilyaso sa batas na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno magnegosyo habang nasa pwesto, ginamit umano ni Batangas Rep. Leandro Leviste ang pangalan ng mga kamag-anak ng ina, gayundin ang yaya ng kanyang ina,

Sa resolusyon ng Court of Appeals (CA), pinaboran ang hirit ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa hirit na freeze order sa mga “assets” ni Leviste at dating Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay ng mga umano’y irregular na solar energy contracts.

Kabilang sa mga pangalang lumutang sa pagsusuri ng CA ang isang Felicidad A. Bagayas, na lumalabas na incorporator ng 18 sa 35 kumpanyang itinayo ni Leviste mula 2013 hanggang 2021. Si Bagayas o Nanay Fely ang nagsisilbing yaya ng senadora sa loon ng mahabang panahon.

Kabilang sa nakalistang kamag-anak ng mambabatas ay sina Antonio B. Legarda (20 korporasyon), Antonio C. Legarda Sr. (18 korporasyon), at Benjamin C. Legarda (14 korporasyon)

Pasok din sa talaan si dating epleyado ni Legarda na Hazel Iris P. Lafuente sa tinatayang 32 korporasyon.

Samantala, lumutang din si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman sa pagsusuri ng korte. Anang CA, naging incorporator din ng tatlong korporasyon ni Leviste ang dating Kalihim na kabilang sa mga personalidad na sinasabing dawit sa tinaguriang flood control scandal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *