PARA kay Justice Secretary Crispin Remulla, bilang na ang araw ng pagtatago si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., kasunod ng pag-amin na pasok na sa red notice list ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang pangunahing suspek sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon sa Interpol, ang red notice ay tumutukoy sa hiling ng law enforcement authorities sa buong mundo upang hanapin at arestuhin ang isang taong may nakabinbin extradition, surrender o kahalintulad na legal na aksyon.
Paglilinaw ng Interpol, iba ang red notice kumpara sa warrant of arrest.
Batay sa pinakahuling impormasyong nakalap ng Interpol, kinumpirma ang pagpapalipat-lipat ni Teves sa Cambodia, Timor Leste at Thailand.
Bukod sa kasong pagpatay kay Degamo noong Marso ng nakaraang taon, si Quiboloy rin ang itinuturong utak ng mga patayan sa Negros Oriental mula taong 2019.
